Kung ang BF, todo-deny… KIM, UMAMING MAY PINAGSESELOSAN SI XIAN SA KANYA
- Vinia Vivar
- Jun 9, 2020
- 2 min read

Sina Xian Lim at Kim Chiu ang showbiz couple na hindi natin nakikita na naglalambingan in public at aminado naman sila na talagang hindi sila ma-PDA (public display of affection).
Ayon sa aktres sa panayam nila sa online show ni Ruffa Gutierrez na Love Thy Chika, shy type raw kasi siya.
“Alam ni Xian ‘yun, shy type talaga ‘ko. Kaya two years siyang nanligaw sa akin, kasi shy type ako,” sey ni Kim.
Ayon naman kay Xian, talagang hindi sila masyadong showy ni Kim.
“Hindi kami masyadong showy when it comes to kissing in public or parang hugging and showing all that,” ani Xi.
Natanong din ang dalawa kung kailan sila huling nag-away at sey ni Xian, hindi naman sila madalas mag-away.
Hirit ni Kim, “Kasi nga, only child si Xian, so dapat, intindihin mo siya lagi.”
Nagkatawanan silang tatlo. Pero kontra ni Xian, “Parang ako ‘yung umiintindi sa ‘yo, Kim,” kaya ang lakas ng tawa ng aktres.
But seriously, ayon sa aktres ay hindi nila pinalalampas ang isang araw na hindi sila bati.
“Tatawag na lang siya bigla, sasabihin niya, ‘Hindi ako makatulog, ikaw kasi.’ 'O, kasalanan ko pa?'” kuwento ni Kim.
Ipinaalala ni Ruffa kay Kim ang interview nito two years ago kung saan ay sinabi ng aktres na si Xian na ang huling lalaki sa buhay nito. Ganito pa rin ba ang masasabi ni Chinita Princess?
“Wala naman akong ibang mahal, wow!” sagot ni Kim na siyempre ay ikina-happy ni Xi.
“Wala naman akong ibang tinitignan na guy ngayon bukod kay Xi. Saka, ‘yung respeto namin sa isa’t isa is really there. Tapos, kung ano ‘yung desisyon niya, okay, I respect. Tapos, kung ano ang desisyon ko, inire-respect niya rin.
“And then, nakatulong din ‘yung introvert si Xi. Wala siyang masyadong friends, so wala akong reason to get jealous,” sabi ni Kim sabay tawa.
Natanong naman ni Ruffa si Xian kung may pinagseselosan ba siya kay Kim at si Chinita Princess din ang sumagot ng “Meron.”
Pero kinontra ito ni Xian at aniya, “Wala akong pinagseselosan, ano ka ba?”
Ayon kay Xi ay tanggap naman nilang pareho ni Kim na ito ang trabaho nila at hindi dapat magselos.
At 'pag natapos na ang quarantine, ang unang-una raw na gagawin nila ay gugupitan ni Kim si Xian. Pero mukhang natakot ang aktor since hindi naman marunong maggupit ang GF kaya sey niya, nagbago na ang isip niya.
Biro pa ni Kim, lalagyan niya ng heart, ibon, mountain at pangalan niya ang ulo ni Xian. Hahaha!
Samantala, dahil babalik na sa ere ang serye nilang Love Thy Woman simula ngayong June 13 sa cable channel (Sky Cable Channel 8 sa SD at Channel 167 sa HD, Cable Link Channel 8, at G-Sat Channel 2), anila ay maraming aabangan ang mga viewers sa kanilang pagbabalik.





Comments