Horoscope | Hunyo 9, 2020 (Martes)
- Maestro Honorio Ong
- Jun 9, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 9, 2020 (Martes): Marami ang mabibigo pero ikaw ay mapabibilang sa mga magtatagumpay. Ito ang nakasulat sa iyong Aklat ng Kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Parami nang parami ang magagandang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Ito rin ay nagsasabing parami nang parami ang bilang ng iyong yaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ang pagpaparami ng kabuhayan. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataon ngayon kung kailan mas mapauunlad mo ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magsawa sa mga tinatamasa mong magagandang bagay. Mabilis kang magsawa kaya ipinaaalala sa iyo na sa mga panahong nagsasawa ka, aabante ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-beige.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang namimintas sa iyo kung saan ikaw ay nakatutok sa pagkakaroon ng materyal na bagay. Mas maganda kung gagayahin ka nila kaysa siraan ka. Masuwerteng kulay-blue.
LEO (July 23-Aug. 22) - Manahimik ka na ang ibig sabihin ay tahimik mong tahakin ang landas ng buhay mo kung saan mapupuno ang iyong kaban-yaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo panghihinayangan ang pagsisikap mo sa panahong ito. Magiging mabunga ang buhay mo tulad ng malagong punong-kahoy na hitik na hitik sa matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-violet.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magugulat ka at hindi makapaniniwala dahil ang mga suwerte mo ay magmumnula sa iyong mga kaaway, kagalit at kinaiinisan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sunggaban mo ang biglang dumating na magandang oportunidad. Ang isa pang payo ay ayawan mo naman ang dating oportunidad na hanggang ngayon ay nasa iyo pang harapan. Masuwerteng kulay-red.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbalik ang mga suwerte mo. Magbabalikan din ang mga taong kapag gumaganda ang buhay mo ay naglalapitan sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Susugod ka at ipakikita mo sa mga nasa paligid mo na mali ang akala nila na mananatili kang mahiyain. Ito rin ay nagsasabing magiging mabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-white.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang wala ka, ‘yun ang kailangan mo. Kaya ang sinasabi na kung sino ang magkakakulay ang dapat magsama ay hindi para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong sayangin ang mga biyayang mapasasaiyo kahit gaano pa ito kaliit. Tandaan mo ang katotohanan na ang mga bundok ay gawa sa maliliit na alikabok. Mauswerteng kulay-yellow.
![endif]--![endif]--




Comments