3 ulit na COVID test, hiniling para sa balik-laro ng PBA players
- Alvin Olivar
- Jun 9, 2020
- 1 min read

Sa gitna ng nararanasang pandemya sa Pilipinas, ilan sa mga malalaking pangalan sa PBA ay magtatapos ang kanilang kontrata sa Agosto.
Sa impormasyaong nakalap ng PBA website, tatlo sa mga manlalaro na magiging free agent pagkatapos ng Agosto 31 ay si dating PBA MVP Arwind Santos, Alex Cabagnot, at Jeron Teng.
Ang ibang manlalaro na nakatakdang magtapos ang kontrata sa Agosto 31 ay sina Carl Bryan Cruz, Paolo Taha, Rome Dela Rosa, Nards Pinto, Nico Salva, Dave Marcelo, at Jake Pascual.
Ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang kontrata ay sa kabila ng pagtigil ng mga laro sa PBA 2020 season dahil sa coronavirus pandemic na nararanasan sa buong mundo. Natigil ang mga laro noong Marso 11 at hanggang sa ngayon ay wala pa ring aktibidad ang mga koponan.
Sa kabila nito ay nagpadala na ng sulat ang PBA sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) na payagan nang mag-ensayo ang bawat koponan sa liga na may pangakong susundan ang mga istriktong protocols na ipapatupad ng liga.
Kabilang sa mga health protocols na balak gawin ng liga ay ipadaan ng bawat koponan ang kanilang mga manlalaro, coaches, at staff sa tatlong COVID test bago mag-ensayo. Sa ensayo naman ay anim lang ang makakapunta sa bawat batch, apat sa mga ito ay player, isa bilang trainer, at isa bilang health officer.
Umaasa naman si PBA chairman Ricky Vargas na mapapayagan sila ng IATF matapos kausapin ang ibang mga miyembro nito bago pa maipadala ang pormal na sulat sa ahensya.




Comments