Riding-in-tandem na holdaper, strikes again
- Mylene Alfonso
- Jun 8, 2020
- 1 min read

Timbog ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 6, ang riding-in-tandem na holdaper sa isinagawang follow-up operation, kamakalawa ng hapon sa Tejeron, Sta. Ana, Manila.
Binitbit sa MPD-PS10 para sa kaukulang disposisyon ang mga suspek na sina Mourieshy Cabe, 21, aircon installer, at Juanito Ramos, 24, kapwa ng Pandacan, Manila.
Positibong kinilala ang dalawa ng biktimang si Jerald Javier Manansala, 41, store owner, na humoldap sa kanya noong Hunyo 5, alas-10:15 ng gabi sa tapat ng kanyang bahay.
Narekober mula sa mga suspek ang kuwintas ng biktima na nagkakahalaga ng P100,000, gayundin ang .38 baril at motor na ginamit sa panghoholdap.
Naaresto ang mga suspek nina PCpl. Jefrey Guevarra, PCpl. Johnny Fernandez at Pat. Ranulfo Retes, Jr. ng MPD-PS6.





Comments