Milyon ang umayaw… KANTA NI KIM, MOST DISLIKED MUSIC VIDEO IN PHILIPPINE HISTORY
- Julie Bonifacio
- Jun 8, 2020
- 2 min read

Abot-langit ang tuwa ni Kim Chiu sa tagumpay ng kanta niyang Bawal Lumabas. Simula pa lang kasi nang ilabas ito sa iba't ibang social media platforms, nakakuha na agad ng maraming positive vibes.
At ang pinaka-latest ay ang pag-guest niya nang live sa FM radio station na Wish 107.5 o Wish Bus na umabot na sa 3.5 million ang views in 24 hours.
Dahil d'yan, nakapag-set ito ng record as YouTube's Top Trending music video.
Sa kanyang latest Instagram post, 'di napigilan ni Kim na ilabas ang kaligayahang nararamdaman sa panibagong achievement ng kanyang awiting Bawal Lumabas.
"On behalf of Class 2020, I accept this honor. Maraming salamat sa inyo, classmates, for making this possible. Thanks also to Wish Bus for always welcoming ALL kinds of artists and genres," caption ni Kim sa kanyang IG post.
Dugtong pa ng caption ni Kim: "Totoo nga na music brings us all together. Nagsama-sama tayo kahit BAWAL LUMABAS!!!!! Ay, PWEDE NA PALANG LUMABAS!!! Stay safe classmates!!!! Sa mga classmates kong may mabuting puso, sana dumami pa kayo!!! Let's spread good vibes and positivity. 3.4 million views in one day Wish live performance!!!!"
Sa milyun-milyong nanood kay Kim sa Wish 107.5, it cannot be denied na kasama na rin sa 3.5 M views ang mga "trolls" and "haters."
Kaya kung marami raw ang nag-like sa guesting ni Kim sa Wish 107.5, milyon din umano ang nag-dislike nito.
May mga naglabasan sa YouTube na binabatikos ang performance ni Kim sa Wish 107.5. At sabi pa ng iba, marami raw mas deserving na artists ang dapat pinag-guest ng Wish 107.5 sa kanilang Wish Bus kesa kay Kim.
At dahil sa dami ng nag-dislike sa Bawal Lumabas ni Kim, tinawag pa nila itong 'most disliked music video in Philippine history.'
Pero sa kabila nito, ipinagtanggol naman si Kim na mababasa sa mga comments ng mga artista na nakapanood sa kanya. Inggit lang daw ang mga nag-dislike sa guesting ni Kim sa Wish 107.5.
Umani rin ng suporta si Kim sa kanyang mga followers sa social media.
Narito ang kanilang mga pahayag...
"Ok lang 'yan kahit maraming mag-dislike. Kikita ka pa rin. Trending pa rin. Hayaan mo silang maumay sa sarili nilang gamot. 'Di lang nila matanggap na 'yung pamba-bash nila sa 'yo, eh, magagamit mo pa pala. Haha!"
Ni-reply-an ito ni Kim ng, "Naluto sa sariling mantika."
Mensahe pa ng suporta ng iba kay Kim… "Inspiring!!! A classic example of turning adversity into opportunity!!! Congratulations!!!!!!!"
"Go girl. Don't let the haters put you down. We are so proud of you."





Comments