Mister tepok, misis sugatan sa trak
SOUTH COTABATO — Isang mister ang namatay at sugatan naman ang misis nito nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang multicab kamakalawa sa Bgy. Polonuling, Tupi.
Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Amerodin Suib, samantalang hindi na pinangalanan ang misis nito, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho Richard Tongaling kaya nabangga nito ang kasalubong na muticab na minamaneho ni Amerodin.
Dinala pa ng mga saksi ang mag-asawa sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Amerodin.
Nakapiit na si Tongaling na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.





Comments