Mag-utol tepok sa landslide
- BRT
- Jun 7, 2020
- 1 min read
DAVAO DEL SUR — Namatay ang dalawang batang magkapatid nang magka-landslide at matabunan ng lupa ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Binaton, Digos City.
Nakilala ang magkapatid na biktima na sina Ronel, 10-taong gulang at Roxl Laguna, 14-taong gulang, kapwa residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, natutulog ang magkapatid sa kanilang bahay nang magkaroon ng pagyanig kaya gumuho ang lupa na tumabon sa kanilang tahanan.
Nabatid na inabot ng ilang oras bago nailabas sa bahay ng mga rescue team ang magkapatid.
Sinikap pa ng medical team na iligtas ang magkapatid, pero hindi na naisalba buhay ng mga biktima.





Comments