top of page

PNP official sibak, misis kasabwat… OJT ni-rape, beybi ipina-abort

  • Mylene Alfonso
  • Jun 6, 2020
  • 2 min read

Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang isang junior official ng Manila Police District (MPD) matapos akusahan na gumasa sa isang babaeng police trainee at pilitin na ipalaglag ang ipinagbubuntis nito.

Kasabay nito, iniutos ni MPD Director PBGen. Rolando Miranda ang pagsibak sa puwesto sa suspek na si PCpt. Heherson Zambale, hepe ng Barbosa Police Community Precinct ng Sta. Cruz Police Station.

Naganap umano ang panggagahasa nitong Marso 7 ng suspek sa biktima na isang Criminology student at nag-aplay para sa 'on-the-job training' sa naturang istasyon.

Nalaman na pinainom umano ang biktima ng alak hanggang sa hindi na nakapalag nang sipingan siya ng suspek.

Ayon sa biktima, inisyal niyang tinanggap ang nangyari sa kanya pero kinalaunan ay nagdesisyon na magsampa na ng kaso nang sa halip na suportahan siya nang malaman na buntis ay pinilit umano siya ng suspek na ipalaglag ang ipinagbubuntis.

Ayon sa biktima, pinainom muna siya ng suspek ng mga gamot na pampalaglag at nang hindi tumalab ay dinala na siya sa isang abortionist sa Sampaloc kung saan tinanggal ang kanyang dinadala sa sinapupunan.

Nabatid na noong Mayo 8 nang pormal na magsampa ng reklamo ang biktima at magsumite ng medical certificate.

Nitong Hunyo 1, sinampahan sa Manila City Prosecutor's Office ng kasong paglabag sa RA 8353 (Rape) at Induced Abortion si Zambale at ang kanyang misis na si Aliah Zambale bilang co-conspirator at dalawa pang hindi nakikilalang babae na sumama umano sa pagpapalaglag niya. Nabatid na sinampahan din ang suspek na pulis ng kasong administratibo.

Nalaman na dinisarmahan na rin si Zambale at sinibak sa kanyang puwesto habang isinasailalim ang imbestigasyon laban sa kaniya.

Dahil dito, iniutos ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director PMGen. Debold Sinas sa lahat ng District Director at Chief of Police na tanggalin na ang pagtanggap ng mga OJT lalo na sa mga istasyon at units.

Sinabi ni Sinas na ang mga OJT ay ipu-forward na sa Regional Learning and Doctrine Development Division (RLDDD) at iba-validate ng Regional Intelligence Division (RID) para sa kumpletong background investigation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page