top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Caretaker, tinodas ng armado

BRT​
Jun 6, 2020
1 min read

Negros Occidental—Isang caretaker ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Daga, Cadiz City.

Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Loreto Europa, 44-anyos, residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, pauwi na si Europa lulan ng kanyang motorsiklo nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page