top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

7.3 milyon nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, nganga!

Editoryal
Jun 6, 2020
1 min read

Tumaas ang unemployment rate sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ang bansa ng record-high na unemployment rate na 17.7 percent o katumbas ng 7.3 milyon na mga walang trabaho.

Nahigitan nito ang 10.3 percent na unemployment rate na naitala noong 1998 sa bansa.

Inaasahan na natin ito dahil kasabay ng pandemic ay ang krisis sa ekonomiya.

Ipinatupad ng community quarantine at napilitang isara ang halos lahat ng negosyo. Kasunod nito, milyun-milyong manggagawa ang tambay.

Ang masaklap, ngayong paunti-unti nang pinapayagang magbalik-operasyon ang mga establisimyento, may iba na tuluyan nang nagsara — ang mga manggagawa, wala nang babalikan pa. Habang meron ding pilit na bumabangon alang-alang na rin sa mga empleyado at kanilang pamilya.

Ito ang panahon na lahat ay nangangapa, ‘ika nga, tayo ay nasa ‘new normal’, dapat mag-adjust at maging mapagpasensiya.

Malaking hamon din ito sa gobyerno, milyun-milyong Pinoy ang umaasang matutulungan ng mga programa at proyektong mailalatag. Kasabay ng paglaban sa COVID-19, kailangan ding labanan ang gutom.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page