Testigo sa “Maguindanao Massacre”, in-ambush
South Cotabato—Isa sa mga testigo sa “Maguindanao Massacre” ang nakaligtas sa isinagawang ambush ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Bukay Pait, Tantangan.
Kinilala ang nakaligtas na “Maguindanao massacre” witness na si Mohammad Sangki, pero ang driver/escort ng Department of Justice (DOJ) nitong si Richard Escovilla ay namatay sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Escovilla ang Toyota Innova at nakasakay dito si Sangki ay bigla silang pinagbabaril ng mga suspek.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga salarin.
Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng pulisya si Sangki para bigyan ng proteksiyon, samantalang tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek.





Comments