top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung si Ai Ai, buwisit na buwisit dahil ang pangit daw… SHARON AT ZSA ZSA, IPINAGSISIGAWANG GANDANG-

  • Rohn Romulo
  • Jun 5, 2020
  • 1 min read

Speaking of Lee Min Ho na pinag-uusapan pa rin ng mga netizens sa buong mundo ang kanyang 2020 comeback K-drama na The King: Eternal Monarch, may post naman si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang IG account na makikigulo rin sa paghanga sa isa sa mga pinaka-handsome sa mga Korean actors.

Post ni Mega na una nang nabaliw kay Gong Yoo at sumunod naman kay Hyun Bin, "This is what I’m talking about. Naguguluhan ka na sa dalawang pogi, magugulo na ang buhay mo kasi 'di mo na ma-deny na talagang iba itong mamang ito, eh. Nakakainis ka, Lee Min Ho! Ayoko nang sumali sa mga may kras sa 'yo pero ano gagawin ko kung talagang naloloka ako sa THE KING na walang ginawa kundi mambitin?!! Hindi! HINDI KITA KRAS!!! Huhuhuhu... #leeminho #gongyoo #hyunbin #juskopohelpme."

Nag-reply naman sa post niya ang isa sa mga BFF niya sa showbiz na si Zsa Zsa Padilla, "Ako in denial din. Kasi pangatlo na itong mamang ito sa listahan ko! Sabi ko nu'ng una, 'di pa ako decided kung kras ko siya pero lakas-tama, eh. Hahaha! I feel you! @reallysharoncuneta."

Tuwang-tuwa naman ang mga Pinoy fanatics ni Lee Min Ho at nag-suggest ng mga previous K-drama ng aktor na posibleng mahalin at magustuhan ng Megastar.

Ano kaya ang masasabi rito ni Ai Ai delas Alas na 'di talaga nagandahan sa The King: Eternal Monarch na nasa ikatlong puwesto pa rin sa highest rating K-drama ngayong 2020, kung saan nangunguna pa rin ang The World of the Married at pangalawa ang Crash Landing on You.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page