Killer na nagtago nang 9 na taon, timbog
- BRT
- Jun 5, 2020
- 1 min read
Bulacan—Isang wanted na killer na nagtago sa batas nang halos siyam na taon ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sapang, San Miguel.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Almario Sanqui, pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alaman na inaresto ng mga awtoridad si Sanqui sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Nueva Ecija noong March 2011.
Ayon sa ulat, may nakuhang impormasyon ang pulisya sa kinaroroonan ni Sanqui kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.





Comments