Most wanted na estapador, timbog
- BRT
- Jun 4, 2020
- 1 min read
Sultan Kudarat—Isang most wanted na estapador ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tinalon, Sen. Aquino.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rolando Tapdasan, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Tapdasan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa naturang lalawigan.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Tapdasan kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.





Comments