Guys, ibang klase rin, 'no! MAGALING NA AKTRES, PURDOY NA AT NANGHIHINGI NG AYUDA SA MGA ANAK PE
- Erlinda Rapadas T.
- Jun 4, 2020
- 1 min read

BLIND ITEM:
Tiyak na hindi paniniwalaan ng marami ang balitang ang isang multi-awarded actress na sinasabing purdoy na ngayon ay lihim na nagpapadala ng ayuda sa mga kaibigan sa media.
Tahimik lang kasi ang magaling na aktres, pero marami ang nakakaalam sa showbiz na sobra siyang matulungin at halos wala nang natitira sa kanya dahil sa sobra niyang pagiging generous.
Ang kinikita niya sa kanyang serye sa telebisyon at sa pelikulang kanyang ginagawa ay halos naipamigay niya sa maliliit na tao sa production. Laging bukas ang kanyang palad sa mga taong lumalapit at humihingi ng tulong.
Sa kanyang matagal na pamamalagi sa showbiz at sa kasikatan na kanyang narating, milyun-milyong pera na ang kanyang naipamigay dahil lang sa pagtulong at wala siyang pakialam kahit na sinasabi ng iba na pulubi na siya, walang sariling bahay at sasakyan at humihingi na lang ng ayuda sa mga anak.





Comments