Bawal na raw lumabas… LORNA, IBINULGAR NA IKUKULONG SILA SA LOOB NG BAHAY HABANG NAGTE-TAPING NG SER
- Ador Saluta
- Jun 4, 2020
- 1 min read

Kahit wala pang kasiguraduhan kung maibabalik ang franchise ng ABS-CBN, nakakita ng pagkakataon ang network to bring Cardo Dalisay to the homes of millions of his Filipino fans.
With the National Capital Region and neighboring provinces now placed under General Community Quarantine, ABS-CBN has decided to resume tapings for some of its shows including iWant originals and FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa ulat sa TV Patrol ng showbiz anchor na si Mario Dumaual, ang mga kukunang eksena sa Ang Probinsyano ay gagawin sa private resort in Batangas for one month.
Sa nasabi ring report, Lorna Tolentino, who plays the role of First Lady Lily Ann Cortez- Hidalgo, the cast and crew will undergo rapid testing on June 14, a day before the filming for the show begins.
Ayon kay LT, matindi ang sakripisyong gagawin nila ngayong lahat na kabilang sa Ang Probinsyano at bawal magkamali sa taping.
“Parang kami ang sampol o halimbawa sa balik-taping. Dapat walang mali sa procedures namin. Ang laki ng sakripisyo at sugal namin dito,” sey ng beteranang aktres.
Napansin ni Lorna na 'yung nag-negative for the rapid testing ay 'di na pinapayagang lumabas.
Sabi ni LT, “Para kaming nasa Pinoy Big Brother, nakakulong sa bahay ni Cardo Dalisay. So, dapat all the way sa mga siguradong negative [sa COVID-19], ‘di na puwedeng lumabas!” Dagdag pa niya, “Ang safety naman namin is assured para maging worth it naman ang lahat."





Comments