top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2 tulak pumalag sa buy-bust, tepok

  • BRT​
  • Jun 4, 2020
  • 1 min read

North Cotabato—Dalawang notoryus na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kabacan.

Kinilala ang mga suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Aljen Tabaosares at Edmar Lebag, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation sina Tabaosares at Lebag, pero nanlaban ang mga suspek at pinagbabaril ang pulisya.

Mabilis na nakaganti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang mga suspek.

Nakarekober ang pulisya ng mga baril at ilang sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page