Drug trafficker dedo sa drug-bust
Nueva Ecija—Isang drug trafficker ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Cabanatuan City.
Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Einnor Castro, nakatira sa naturang barangay.
Nabatd na darakpin sana sa drug-bust operation si Castro pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang pulisya ng 13 sachets ng shabu at kalibre .45 pistola sa pinangyarihan ng insidente.





Comments