2 extortionists na NPA, arestado
- BRT
- Jun 3, 2020
- 1 min read
Zamboanga Del Norte—Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na sangkot sa pangingikil sa mga negosyante ang naaresto ng awtoridad kamakalawa sa Bgy. Delocot, Godod.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jovi Sangcom at Joel Sandao, kapwa miyembro ng NPA na nakabase sa nasabiing lalawigan.
Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan nina Sangcom at Sandao kaya agad nagresponde ang pulisya at dinakip ang dalawang rebelde.
Kusa namang sumama at hindi na nanlaban sa mga awtoridad ang dalawang suspek na kapwa nakumpiskahan ng kalibre .38 revolver at kalibre .22 pistola.
Nakapiit na sina Sangcom at Sandao na kapwa nahaharap sa mga kasong extortion, rebellion at illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments