top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kawalan ng maayos na sistema sa transportasyon, pahirap sa ordinaryong mamamayan

  • Editoryal
  • Jun 2, 2020
  • 1 min read

Kalbaryo ang dinanas ng mga komyuter sa pagbabalik-trabaho sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Bago pa sumikat ang araw, marami nang pasahero ang nag-aabang ng masasakyan. Pero naghintay sila sa wala dahil hindi pa pinapayagang bumiyahe ang mga pampasaherong bus at jeep.

Tanging train system at bus augmentation, taxi, TNVS, shuttle service, point to point (P2P) bus, bisikleta at tricycle lamang ang bumibiyahe.

Ngunit ang mga ito ay hindi naman “afford” ng mga mananakay lalo pa’t karamihan sa mga ito ay ngayon pa lang muling mag-uumpisang kumita.

Kaya naman, hiling ng marami ay payagan na ang operasyon ng iba pang pampublikong transportasyon sapagkat kailangang-kailangan ito.

Kung itinuturing na high-risk sa pagkalat ng COVID-19 ang mga ito dahil sa kawalan ng mga automatic fare collection system (AFCS), tingin ba ng gobyerno ay ligtas ang pagsampa sa truck at police patrol car dahil wala talagang masakyan?

Binuksan ang mga business establishment para sa ekonomiya ng bansa, pero kung walang manpower ay useless din.

Kailangan ng bansa ang maayos na sistema sa transportasyon, hindi palyadong solusyon.

Kasabay ng pag-iisip ng gobyerno sa mga konkretong plano upang mapagtagumpayan ang laban sa COVID-19, ‘wag sanang kalimutang bigyang-konsiderasyon ang ordinaryong mamamayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page