top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

U.S. Pres. Donald Trump, binawi ang pondo sa WHO, nakupo!

  • Ka Ambo
  • May 31, 2020
  • 2 min read

Binawi na ni U.S. President Donald Trump ang pondo sa WHO.

Ito ay dahil sa iisang bagay: Inutil ang WHO!

◘◘◘

MAGSISIMULA na ang biyahe sa international flight.

Paktaylo!

◘◘◘

MAHALAGA ang rapid test sa pribadong kumpanya.

Nakakaawa ang mga kapwa empleado na mahahawa!

◘◘◘

MAHALAGA ring magkaroon ng psychologist ang bawat kumpanya.

Layunin nitong maaalalayan ang kaisipan ng mga magpa-positive!

◘◘◘

NAGKAKAROON ng panic at trauma ang mga nagiging positibo sa testing dahil hindi sapat ang impormasyon na ibinibigay sa publiko.

Tinatakot nila ang publiko imbes na ipaunawa ang tunay at totoong sitwasyon.

Inuulit natin: Maraming recoveries—at ang mga nagpopositibo ay nagagamot.

Malinaw ‘yan at hindi fake news!

◘◘◘

INAAKALA ng ilan na kapag natuklasang positibo sa COVID-19 ay hindi na magagamot.

Sinasabi kasi ng WHO na wala pang gamot kontra sa COVID-19.

Hindi ba, may mali sa ganyang klase ng “impormasyon”?

◘◘◘

DAPAT iaayos ng DOH ang tamang protocol at tamang pagpapaliwanag sa publiko.

Hindi dapat nagpapadikta ang DOH sa WHO.

Hindi sinasadya, maaari nilang maipahamak ang sariling mamamayan!

◘◘◘

DAPAT sinusuri ang datos—batay sa sentido kumon.

Halimbawa, ang COVID-19—ay simpleng “binyag” o katawagan sa “hindi maipaliwanag na klase” ng karamdaman.

Kapag hindi maipaliwanag—walang “100 percent na diagnosis”.

Kumbaga, hula-hula lang lahat—at tsamba-tsamba.

Meaning, puwedeng makaligtas at puwedeng hindi.

At ‘yan ang sitwasyon sa COVID-19!

◘◘◘

MARAMING lumalabas na impormasyon na hindi nililinaw ng DOH.

Halimbawa na ang iba’t ibang sintomas at iba’t ibang klaseng remedies!

◘◘◘

ISANG mahalagang ipaliwanag din ang iba’t ibang klase ng disinfectant tulad ng alcohol at sabon.

Ano ang naturalesa nito at paano umeepekto sa tao?

Mahalaga ito upang maingatan ang publiko!

◘◘◘

ANG massive information ay hindi dapat nakatutok sa matematika o istatistika kung ilan ang kumpirmado at ilan ang namatay o nakarekober—bagkus ay dapat nakatutok sa pag-iwas sa pagkakasakit.

Ipaliwanag nang mabuti ang “natural remedies”—tulad ng paggamit ng aspirin, luya, asin o iba pa na nagkakalat sa social media.

Walang malinaw na paliwanag d’yan ang DOH at mga LGUs.

Puro bilang ng namatay at bilang ng nabigyan ng ayuda.

Hindi nakakatulong ang ganyang impormasyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page