top of page

Horoscope | Mayo 31, 2020 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • May 31, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 31, 2020 (Linggo): Huwag mo nang masyadong guluhin ang iyong sarili kung bakit hindi ka nauunawan ng ibang tao. Yayaman ka at lahat sila ay magsisilapit sa iyo na parang kilalang-kilala ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Angat na angat ka kaysa sa mga nasa paligid mo. Huwag mong pansinin ang mahahalata mong may lihim na inggit sa iyo dahil kahit anong gawin nila, hindi ka maaabot ng mga ito. Masuwerteng kulay-blue.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaang lumakad ang mga panahon na ikaw ay hindi nakatodo sa iyong pangarap. Hindi inaaksaya ang mga araw dahil ginagamit ang mga ito para lalo pang umunlad. Masuwerteng kulay-black.

GEMINI (May 21-June 20) - Paalala ang kailangan mo at hindi salita ng hula. Ikaw ay pinaalalahanan na bawasan ang pagsasaya dahil ang mga araw na darating ay para sa pagmamadaling yumaman nang yumaman. Masuwerteng kulay-violet.

CANCER (June 21-July 22) - Kilala mo ang sarili mo na ikaw ay maramdamin. Kapag kilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan ay puwede niyang gawing kalakasan. Masuwerteng kulay-peach.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magalit kapag matigas ang ulo ng kausap mo. Ikaw din naman ay matigas ang ulo, lalo na sa mga bagay na gustung-gusto mo na sinasalungat ng malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo ang nangangailangan ng tulong. Ang iba na hindi naman kailangan ang tulong ay iyong tinutulungan kaya sila pa ngayon ang lumalabas na kailangan ang iyong mga tulong. Masuwerteng kulay-brown.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipakita mong desidido kang makuha ang malaking pangarap mo. Sa ganitong paraan, ang mismong langit ay gagawa ng mahimalang bagay para ang puso mo ay mapuno ng kagalakan. Masuwerteng kulay-white.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag malaya ang mga tao, huwag kang gigil na gigil na para kang nagmamadali at mauubusan ka ng oras. Nakukuha ang magagandang bagay sa pagiging marahan. Masuwerteng kulay-green.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayong malapit na ang araw ng kalayaan, silipin mo ang binuo mong plano at huwag kang magkakamali dahil ang plano mo ang sundin mo nang letra-por-letra upang hindi ka mabigo. Masuwerteng kulay-yellow.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, ipinaaalala sa iyo na naipon na at sila ay marami. Ito ay ang mga suwerteng mapasasaiyo sa paglalakbay mo sa landas ng buhay na ang iyong pagyaman nang todo. Masuwerteng kulay-purple.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo ang mga ayaw makiisa sa iyo. Akala nila, ang kanilang paraan ay tama, pero sa huli, kapag nakaranas na sila ng napakaraming pagkakamali, hahanapin ka nila. Masuwerteng kulay-pink.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nabibigo ang patuloy na lumalaban, kaya walang karapatan ang sinuman na sabihing bigo ka na sa buhay mo. Sila ang mabibigo at mapapahiya kapag naabot mo na ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-beige.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page