Chairman at tanod, magkasunod na pinatay
- BRT
- May 31, 2020
- 1 min read
Sarangani—Magkasunod na namatay ang isang barangay chairman at isang tanod nang barilin ng riding-in-tandem kahapon sa Bgy. Kawas, Alabel.
Kinilala ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Chairman Diony Seromenes at tanod na si Salvador Ulog, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nang mabalitaan ni Seromenes na binaril at napatay ng mga hindi kilalang suspek ang tanod niyang si Ulog ay agad itong rumesponde, kasama ang iba pang barangay tanod sa pinangyarihan ng krimen.
Nabatid na hindi na inabutan ng grupo ni Seromenes ang mga suspek at ang bangkay na lang ni Ulog ang dinatnan.
Samantala, habang hinihintay ang mga pulis ng Scene of Crime Office (SOCO) ay nagpasyang umuwi ang chairman lulan ng kanyang motorsiklo, pero nang malapit na siya sa kanilang bahay ay sumulpot ang mga salarin na sakay din ng motorsiklo at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa dalawang biktima.





Comments