top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

WOWIE, IBINULGAR KUNG BAKIT KLIK NA KLIK ANG LOVE TEAM NILA NOON NI JUDAY

  • Beth Gelena
  • May 30, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

MAY gagawing online project si Wowie De Guzman sa original iWant anthology series na Ampalaya Chronicles presents Labyu Hehe.

Makakasama niya ang aspiring tandem na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza.

Ayon kay Wowie sa isang interbyu, naalala niya sa katauhan ng KarJon ang labtim nila ni Judy Ann Santos nu’ng ‘90s.

Dating dancer si Wowie ng Universal Motions Dancers (UMD) bago siya naging artista.

Si Wowie ang first love team ni Juday at ang kanilang tambalan ang most popular tandem nu’ng ‘90s.

Maraming teleserye at movies na pinagsamahan nina Juday at Wowie. Ilan sa mga ito ay Mara Clara, Paano Ang Puso Ko?, Esperanza, Dito Sa Puso Ko at marami pang iba.

Si Wowie rin ang naging first boyfriend ni Juday na ngayon ay tinaguriang Teleserye Queen.

Ani Wowie, “Natatawa ako, kasi ganito pala ang hitsura namin noong ginagawa namin ang Mara Clara. Noong nag-shoot kami nina Judy Ann (Santos) at Gladys (Reyes), para akong na-warp siguro mga 20 years ago noong nakikita ko sila.”

Ayon pa sa aktor, nakaka-relate siya sa KarJon tandem.

“Relate na relate ako sa kanila lalo na ‘pag idinidirek sila. Nakikita ko rin ang sarili ko so nakakatuwa lang na makita mo at ma-picture mo ‘yung hitsura nila na dumaan din ako sa ganu'n, kaya I’m sure malayo pa ang mararating nilang lahat…”

Dugtong pa niya, “Ang pinakaimportante kasi, mahal mo ang ginagawa mo. Based sa na-experience ko, hindi talaga magwo-work ‘yan 'pag wala kayong nagugustuhan sa isa’t isa, because nagta-translate sa screen kung ano ang nararamdaman kung meron na kayong nararamdaman and ‘yun ‘yung magic.”

Kaya pala successful ang love team nila ni Juday noon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page