top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Takot pa rin sa COVID-19... SUSAN, NORA AT CONEY, AYAW NANG MAG-TAPING

  • Erlinda Rapadas
  • May 30, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Nauna nang nagpahayag ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na medyo nag-aalanganin pa siyang bumalik sa teyping ng Bilangin ang Bituin sa Langit dahil sa dalawang dahilan.

Una, wala pang katiyakan ang kaligtasan sa tulad niyang senior na (67 yrs. old na si Aunor) dahil wala pang vaccine against COVID-19 at may asthma pa siya kaya prone siya sa nasabing deadly virus. Inaalala rin niya ang iba pang mahahawa sakaling maging positive siya sa COVID-19.

Maging ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces na aktibo pa rin sa telebisyon ay takot pa ring magbalik-trabaho sakaling mag-resume na ang teyping ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Si Susan ang gumaganap na Lola Flora ni Cardo Dalisay sa nasabing serye.

Well, for sure, ganito rin ang magiging stand ni Ms. Coney Reyes na major cast naman sa Love of My Life kasama sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Mikael Daez, Rhian Ramos, atbp.. Tiyak na hindi siya papayagan ni Pasig Mayor Vico Sotto na magbalik-taping hangga't patuloy pang tumataas ang kaso ng COVID-19.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page