top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

No choice lang daw kahit takot sa COVID-19... KATHRYN, MAJA, DIMPLES AT MAYMAY, AMINADONG HIRAP AT T

  • Vinia Vivar
  • May 30, 2020
  • 2 min read

Hindi pa handa ang mga Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Dimples Romana, Maymay Entrata at Maja Salvador sa tinatawag na "new normal".

Ito ang isa sa mga napag-usapan sa #ExtendTheLove Actors’ Cue Facebook live session last Friday night with Direk Adolf Alix, Jr..

Ayon nga kay Kathryn ay balik-trabaho na siya ngayong June pero hindi pa raw niya alam kung ano ang mangyayari.

“Sinet pa lang sa amin ‘yung mga bagong rules and regulations. Kunwari, sa set, tapos, may trabaho ako sa June, du’n na mag-i-start, so, hindi ko alam kung pa’no,” sey ni Kathryn.

“Medyo weird siguro. Adjust na lang tayo kung anuman ‘yung mga bago,” aniya pa.

Hindi naman niya itinatanggi na natatakot din siya pero wala naman daw choice kundi mag-adjust kahit mahirap.

“Kagaya ng ibang tao, natatakot lahat tayo kung pa'no ‘to, kung magwo-work ba ‘to, kasi hindi ito ang nakasanayan natin. But wala, wala tayong ibang choice kundi ang mag-adjust kasi hindi lang umiikot ang mundo sa atin, na nahihirapan ka, mag-adjust sila sa ‘yo.

“So, para maging mabuting mamamayan, eh, di parte nu’n na just follow and matutong mag-adjust kasi lahat naman, napag-aaralan, pero bigyan mo rin ang sarili mo ng time para kumapa, alam mo ‘yun? Kasi, bago ‘to sa ating lahat, eh.

“So, ipag-pray na lang nating lahat na bumalik na sa normal, kasi lahat ‘to, mahirap, lalo sa set,” she said.

Aminado naman si Maja na talagang nakaka-frustrate na under the “new normal” ay marami na silang hindi puwedeng gawin bilang artista.

“Nakaka-frustrate na ang daming bawal na eksena. Hindi natin maibibigay nang buong-buo kung ano ‘yung isinulat ng ating mga writers, 'di ba? Hindi natin magagawa kasi parang ang daming limitations, parang ang daming bawal.

“Tapos, gusto mo na rin namang magtrabaho pero nakakatakot. Kasi nga, tama ‘yung sinabi ni Ate Dimples na at the end of the day, sige, ite-take natin ‘yung risk, magtatrabaho pero ano ba ang maiuuwi natin sa ating mga kapamilya?

“And then, iisipin mo ‘yung ating mga Kapamilya na staff, mga crew, mga utility, ganyan, sila na nasa mga ilaw, audioman, pa’no sila? Parang oo, willing silang magtrabaho na ulit pero paano ang proteksiyon nating lahat? Pa’no sila, lalo na sila?

“So, nakaka-frustrate. Ang hirap ng pinagdaraanan nating lahat. Ano ‘to, eh, ‘yung kalaban natin, kalaban niya lahat – mahirap, mayaman, lahat ng estado, kalaban niya.

“Kaya tayong lahat, nagkakaisa tayo na labanan natin siya, pero ang hirap ding labanan at apektado tayong lahat.

“So, isang matinding dasal. Miracle lang talaga ang kailangan natin,” pahayag ni Maja.

Sey naman ni Dimples, magsisinungaling daw siya kung sasabihin niyang ready na siya sa “new normal.”

“Gusto ko lang magpakatotoo saying na takot din kami. Takot kami, nangangapa kami, may mga alinlangan kami, may mga katanungan kami, but at the end of the day, lahat naman tayo ay nakakapag-adjust.

“Pero siyempre, iisipin din natin bukod sa mga sarili natin, ang pamilya natin. Kung saan tayo mas makakabuti,” sabi ni Dimples.

Para kay Maymay naman ay malaking challenge raw sa kanya ang bagong experience na ito sa pagtatrabaho. Kailangan daw kasi ay mas maging creative at imaginative ka sa mga proyektong ibibigay.

“Isipin mo pa lang siya, ang hirap-hirap na,” sambit ni Maymay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page