top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mag-asawang sangkot sa overpriced COVID test kits, pinadalhan na ng subpoena — NBI

  • Mylene Alfonso
  • May 30, 2020
  • 1 min read

Pinadalhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena ang mag-asawa na may-ari ng isang medical equipment at supplies trading na sinasabing sangkot sa pag-monopolya at overpricing ng testing kits para sa COVID-19.

Sinabi naman ng mag-asawang sina Van William at Emily Co, may-ari ng Omnibus Bio-Medical Systems Inc., na nakahanda silang makipagkooperasyon sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI.

Ang mag-asawa ay una nang inakusahan ni Iloilo Rep. Janette Garin na lumabag sa Price Act and the Bayanihan to Heal as One Act.

Nabatid na inatasan ng NBI ang mag-asawa na pumunta sa Special Action Unit sa Lunes para magpaliwanag.

Una nang itinanggi ng mag-asawa na siyang opisyal na distributor ng Sansure Biotech Inc., na nakabase sa Changsa City sa Hunan, China na walang basehan at peke ang alegasyon ni Garin na nag-overcharge ang kumpanya at pinahinto nang ibang kumpanya sa pagbebenta ng testing kits.

Iniutos naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon matapos nitong sabihin sa kanyang privilege speech na "halang ang kaluluwa" ng mag-asawa matapos na mag-overpricing sa presyo ng test kits at hadlangan ang pagpasok sa bansa ng mga karibal nitong produkto.

Maging si Sen. Panfilo Lacson ay tinalakay din ang umano'y overpricing ng Omnibus sa Sansure’s Natch nucleic acid extractor kung saan ibinenta nila ito sa halagang P4 milyon gayu'ng P1.75 milyon kapag binili sa manufacturer tulad nang binili ng Philippine Red Cross at Go Negosyo’s Project ARK.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page