Isang malaking fake news ang sabihing “walang gamot sa COVID-19”, period!
- Ka Ambo
- May 30, 2020
- 2 min read
Balik normal na.
Matrapik na ulit!
◘◘◘
HINDI kayang pigilin ng gobyerno ang sabik na populasyon na gumala.
May problema ang bawat pamilya: Saan daw nila dadalhin ang istak ng sardinas?
◘◘◘
HINDI kayang pigilin sa checkpoint ang sangrekwang sasakyan.
‘Yung ibang checkpoint ay kunwa-kunwari lang!
◘◘◘
MARAMING gumaling na tinamaan ng COVID-19.
Isang malaking fake news ang sabihing “walang gamot sa COVID-19”.
Mismong official statement ng DOH ang nagsasabi araw-araw: Number of recoveries.
Pwes, may gamot!
◘◘◘
DAPAT buwagin ang WHO.
Bigo ang WHO na pigilin ang epidemya na siyang dapat ultimate goal nito kaya nilikha!
◘◘◘
NAGPONDO ang U.S. at iba pang bansa para mabuo ang WHO laban sa pandemic.
Malinaw na inutil ang WHO—kasi libu-libo ang namatay sa buong daigdig!
◘◘◘
HANGGANG ngayon aminado ang WHO: Hindi nila kayang ipaliwanag kung “ano ang naturalesa ng COVID-19”.
Ito ay sa kabila ng dambuhalang pondo at pagtustos sa mga eksperto.
Walang eksperto sa WHO, inutil ito kontra pandemic.
Dapat nang buwagin!
◘◘◘
MALAKING perhuwisyo ang ginawa ng WHO dahil sa kapos at mabagal na impormasyon.
Mas grabe, palpak ang ilang press releases nila!
◘◘◘
NAGHASIK ang WHO ng maling impormasyon na ginamit ng mga gobyerno sa pagkilos.
Nagdeklara ng lockdown ay binigyan ng ayuda ang lahat ng “walang trabaho”.
Dati nang marami ang walang trabaho bago pa mag-COVID-19!
◘◘◘
DAHIL sa COVID-19, sinagkaan, iginapos at binusalan ng kalayaan ang mamamayan.
Hindi sinasadya, nalabag ng mga gobyerno ang Bill of Rights dahil sa COVID-19 matapos manakot ang WHO.
Lahat ng bansa ay naging biktima!
◘◘◘
PINAKAMALAKING biktima ng “COVID-19 ng WHO” ang Konstitusyon.
‘Pag dating ng panahon—pagtatawanan ng “kasaysayan” ang ating henerasyon.
Don’t panic, pero nag-panic ang lahat ng pamahalaan sa balat ng lupa!





Comments