Binigyan agad ng sariling show... BOOBAY AT SUPER TEKLA, NALAGPASAN NA ANG MGA KOMEDYANTE NG SIYETE
- Erlinda Rapadas
- May 30, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Maraming comedians ang nasa bakuran ng GMA Network. Karamihan sa kanila ay nasa cast ng Bubble Gang at Pepito Manaloto tulad nina Sef Cadayona, Paolo Contis, Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon, Archie Alemania, John Feir, Pekto, Mikoy Morales atbp..
Pero, ang mga comedians na sina Boobay at Super Tekla ay kinontrata ng GMA Network at binigyan ng sariling show, ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) kung saan mas nagklik sila as tandem.
Gustung-gusto ng mga viewers ang kakaibang estilo ng pagpapatawa nina Boobay at Super Tekla. Natural na natural at masang-masa at walang inggitan sa dalawa at hindi nagsasapawan sa TBATS.
Sana, next time ay movie naman ang gawin ng tambalang Boobay at Super Tekla.





Comments