top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After ng 2 lalaki... DREW, MAS TYPE NA BABAE NA ANG THIRD BABY NILA NI IYA

  • Nitz Miralles
  • May 30, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

May napili nang pangalan sina Drew Arellano at Iya Villania para sa isisilang na third baby nila.

Kung babae, “Alana” ang kanilang ipapangalan at kung lalaki, "Astro" naman.

Mukhang hindi pa inalam nina Drew at Iya ang gender ng third baby nila dahil pinahulaan na lang ng una kung baby girl o baby boy ang third child nila sa post na “So... Is it Alana or Astro?"

Batay sa sagot ng mga friends nina Drew at Iya, mas marami ang humula at may gusto ng baby girl para may babae na silang anak. Ang dalawa kasi nilang naunang anak ay parehong lalaki at gusto ng mga friends nilang magka-baby girl naman ang mag-asawa.

Si Drew nga, parang baby girl din ang gusto sa sagot na “Sana!” nang piliin nina Ryan Agoncillo at Adrian Alandy ang “Alana.”

Pinansin pala ng mga netizens na walang stretch marks ang stomach ni Iya kahit dalawa na ang anak at higit sa lahat, panay pa rin ang workout nito kahit malapit nang manganak.

Sabagay, nagtatrabaho pa rin si Iya kahit very much preggy, nagho-host pa rin ng Chika Minute ng 24-Oras mula sa bahay nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page