Wa' raw paki ang iba sa trip niya... "Bawal lumabas, pero hindi bawal maglabas ng puwet!” —
- Beth Gelena
- May 29, 2020
- 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files
SA Instagram account ni Kiray Celis ay ipinost niya ang kanyang butt. Pinagtawanan siya ng mga netizens at sinabihang wala na raw ba siyang puwedeng ipakita sa sarili kundi puwet?
Buwelta ni Kiray sa mga ito, “'Pag sexy, kahit magpakita araw-araw ng dede, OKAY LANG? 'Pag puwet ko, galit kayo? Korni n'yo! BUWAHAHAHAHAHAHA!"
Ayon pa sa aktres, puwet na lang ang malaki sa kanya, inaalipusta pa. Eh, maliit na nga raw ang height niya at saka boobs.
“Bakit 'di na lang natin iangat ang isa’t isa? Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh, kasi imbes na suportahan n'yo, lalaitin n'yo pa. Akala mo ang pe-perfect nila! Hahahahahaha!”
Aniya pa, “Malaki man o maliit, maitim man o maputi, wala kayong pake kung ano ang ipo-post ng bawat isa. Kung confident sila, bakit hindi? Kung du'n sila masaya, bakit hindi? Hindi nila ipino-post 'yun para mabastos sila. Ipino-post nila 'yun kasi proud sila. Bawal lumabas, pero hindi bawal maglabas ng puwet!”
May pang-aasar pa si Kiray, “O eto, MORE PUWET PA PARA SA INYO! HAHAHA!”
In fairness naman kay Kiray, flawless ang puwet niya at ang tambok.





Comments