top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Perfect combination daw, Ria... ALYSSA, TANGGAP NG FANS PARA KAY JM

  • Mercy Lejarde
  • May 29, 2020
  • 2 min read

Itinuloy ni JM De Guzman ang malungkot na kuwento ng pag-ibig sa music video ng kanta niyang Huling Liham mula sa Star Music kasama ang Pamilya Ko co-star na si Alyssa Muhlach.

Isinulat ng mag-asawang composer na sina Moira Dela Torre at Jason Marvin ang kanta para sa malapit nilang kaibigan na si JM, at ipinrodyus naman ito ni ABS-CBN Music Creative Director Jonathan Manalo.

"Tungkol 'yung Huling Liham sa huling sandali bago mo makita 'yung pagsisisi bilang mga rason para magpasalamat," sabi ni Moira tungkol sa meaning ng kanta.

"'Yung moment bago mo matutunang maging grateful para sa oras na kasama mo ang isang tao kahit hindi man 'yun kasinghaba ng inasahan mo," dagdag pa ng singer-composer.

Idinirek din ni Cris Escolano ang music video na karugtong ng music video ng Asa na inilabas noong Marso, at nagsimula ito sa beach kung saan huling nakita si JM na nag-iisip mag-isa.

Tampok sa music video ang kapareha ni JM sa Pamilya Ko na si Alyssa Muhlach, na gaya ng aktor ay makikita ring binabalikan ang mga masasayang alaala nila sa nasabing beach.

Ipinaalam naman ng mga fans nina JM at Alyssa ang saya nila sa pagsasama ulit ng dalawa sa pamamagitan ng pagko-comment sa music video sa YouTube.

“Super ganda ni Alyssa... Perfect combination sila ni JM... both are musically-inclined,” sabi ni Liza Lizaso.

“Galing ng composer, Moi at Jason, galing din ng singer, JM, at ang ganda ng leading lady na si Alyssa. Perfect,” comment naman ni GachaGalaxy Gamer543.

Magiging bahagi ng bagong EP ni JM ang Huling Liham at Asa sa ilalim ng Star Music. Isa lang ang actor-singer sa mga artists ng Star Music, na tahanan ng pinakamagagandang OPM music sa bansa mula sa nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN.

Panoorin ang music video ng Huling Liham ni JM sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at pakinggan ang kanta sa iba't ibang digital streaming platforms.

Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa www.facebook.com/starmusicph at i-follow ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

'Yun lang and I thank you.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page