Kahit magbalik-taping pa... SHOW NI WILLIE, 'DI TATANGGAP NG STUDIO AUDIENCE
- Erlinda Rapadas
- May 29, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Maraming suki ng programang Wowowin ang nagtatanong kung kailan na puwedeng bumalik ang studio audience na nanonood kapag may teyping ang game show ni Willie Revillame sa GMA-7.
Noong unang linggo pa lang ng paglitaw ng COVID-19 ay natigil na ang pagtanggap ng audience ng Wowowin, kaya pansamantalang puro replays ang napapanood.
Pero, dahil sa naka-quarantine na ang buong Metro Manila, nag-isip pa rin si Revillame kung papaano niya mapapasaya ang mga loyal viewers ng Wowowin. At ang ideya nga ng Tutok to Win ang naging pansamantalang solusyon upang kahit papaano ay makapagbigay siya ng tulong at ayuda sa ilang mapipiling viewers.
Hanggang ngayon, tuluy-tuloy ang pamimigay ni Revillame ng cash na ayuda sa matatawagang viewer ng Tutok to Win. At kung mali-lift na ang MECQ sa Metro Manila sa Lunes, hindi naman agad-agad na makakapag-show sa GMA studio na may live audience ng Wowowin.
Ayaw i-risk ni Willie Revillame ang buhay ng marami dahil sa kagustuhang manood ng Wowowin kaya posibleng next year na tatanggap ng studio audience ang show.





Comments