JUDAY, ENJOY SA PAGIGING BARBERO HABANG LOCKDOWN
- Nitz Miralles
- May 29, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Akala namin, maiksi na talaga ang buhok ni Ryan Agoncillo na ginupitan ng asawang si Judy Ann Santos, pero mukhang binawasan lang ang mahabang buhok ni Ryan at shoulder length na lang ang hair niya. Ang sikat na hairstylist na si Jing Monis ang nagturo kay Judy Ann na maggupit via online.
Hindi lang si Ryan ang ginupitan ni Judy Ann, pati ang anak na si Luna at mukhang marunong ngang maggupit si Judy Ann dahil alam kung paano hatiin ang buhok bago gupitin.
Ang biro ni Judy Ann, “Barber skills unlocked! Sarado na po salon ko... sabi ng balakang ko.”
Ayon naman kay Ryan, “It’s a beautiful day, we’re looking for something dumb to do, I think I’m gonna haircut you. So it’s come to this, my wife’s giving me a trim.”
May mga nag-comment na sana ay hindi lang trim ang ginawa ni Judy Ann, sana ay iniklian niya ang gupit sa hair ni Ryan na matagal nang mahaba.




Comments