top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DEREK, TATAPUSIN LANG ANG SERYE NILA NI ANDREA, KASALAN NEXT NA!

  • Erlinda Rapadas
  • May 29, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Sa taglay niyang ganda at malakas na karisma, hindi na nakapagtataka na may mga female stars na nai-insecure kay Andrea Torres. Ideal girlfriend kasi ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan.

Bukod sa sexy at disente, mabait at napaka-sweet and wholesome ng image niya. Kinaiinggitan nga ngayon si Derek Ramsay dahil GF niya si Andrea.

May ilang Kapuso female stars din ang nagsabing nakaka-insecure ang isang Andrea Torres na pinapangarap maging girlfriend ng sinumang lalaki. Iba kasi ang karisma niya kumpara sa ibang babae. Ang kasimplehan niya at positibong imahe ang nakaka-attract sa mga boys.

Para siyang isang "trophy girlfriend" na karapat-dapat na ipagmalaki. At kung seryoso na ang isang lalaki na magkaroon ng sariling pamilya, ang tulad ni Andrea Torres ang dapat pakasalan dahil certified wife material ito.

Kaya naman, wala nang balak pa ang hunk actor na si Derek Ramsay na pakawalan ang GF niyang Kapuso actress. Maayos lang nila ni Andrea ang kanilang mga natanggap na commitments tulad ng seryeng Sanggang Dikit ng GMA Network, paniniyak ni Derek sa lahat na si Andrea Torres na nga ang kanyang "the one" at pakakasalan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page