ALDEN, BUKING NA LUMALABAS NG BAHAY KAHIT MAY LOCKDOWN
- Nitz Miralles
- May 29, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Kinailangang linawin ni Ruby Rodriguez na biruan lang nila sa Eat... Bulaga! ang comment niya sa post ni Alden Richards na “Kilala mo pa ba ako?” dahil inisip ng mga nakabasang fans ni Alden na may tampo si Ruby sa aktor.
Ang dami kasing nag-react at nag-comment kung hindi ba nagri-reach-out sa kanya si Alden at sa ibang Dabarkads ng EB!? May nag-comment pa kung hindi raw ba nag-message si Alden ng “Wish you well” dahil naospital nga si Ruby.
Kaya napa-comment si Ruby ng “Ano ba kayo? Biruan namin lahat 'yun 'pag matagal na 'di nagkikita. Ganyan lahat kami lalo 'pag nag-abroad. Meron pa, 'Do you still speak Tagalog?'”
Sa Twitter, nabanggit ni Ruby na si Joey de Leon ang nagpauso ng greetings na… “Kilala mo pa ba kami/ako?"
“Don't put a bad light, magka-text kami! Natural lang na miss ko rin siya,” patuloy ni Ruby.
As for pagdalaw sa ospital kay Ruby, bawal yatang dumalaw sa ospital ngayong may Covid-19 pandemic at naiintindihan naman ni Ruby kung hindi siya nadalaw ng Dabarkads.
Speaking of Alden, siya pa rin ang “runner” o “alay” ng kanyang pamilya na ang ibig sabihin, siya ang natokang mag-grocery sa kanila at naikuwento na pagdating ng bahay, inaabot lang niya sa garahe ang pinamili at ‘di na muna siya pumapasok ng bahay para iwas-mahawahan ang mga tao sa bahay nila, lalo na ang grandparents niya.
Diretso siya sa kuwarto at naliligo bago magpakita sa mga tao sa bahay.




Comments