49-anyos na takot tumandang dalaga, mapapangasawa ang selosong BF this year
- Maestro Honorio Ong
- May 29, 2020
- 2 min read

Katanungan
Masasabi kong ako ay matandang dalaga na sa edad na 49 sa darating na November 5 dahil ako ang nagpaaral sa mga pamangkin ko, kaya habang nagta-trabaho, nakalimutan ko na siguro ang sarili ko. I mean, hindi ko natutukan ang pag-ibig at pakikipagrelasyon noong mga panahong ‘yun.
May boyfriend naman ako, kaso half-Chinese siya at may pagkaseloso, kaya madalas ay nagkakagalit kami dahil sa attitude niyang ito. Kaya ang nangyayari, away-bati ang relasyon namin, pero hindi pa naman kami naghihiwalay dahil ‘pag humuhupa ang sama ng loob namin sa isa’t isa ay nagkakabati agad kami.
Siya na ba ang lalaking makakasama ko habambuhay? Iniisip ko kasi na kung tuluyan kaming magkakahiwalay, baka wala nang ibang lalaki na dumating sa buhay ko. Ano sa palagay n’yo, makapag-aasawa pa ba ako o siya na talaga ang itinakda na makakasama ko habambuhay? October 26, 1967 ang birthday niya at mas matanda siya sa akin nang apat na taon.
Kasagutan
Sa panahong may edad na ang indibidwal, masasabing mahirap maubusan ng lalaki at kung minsan nga, nauubusan talaga ng lalaki ang babaeng pihikan sa pagpili ng mapapangasawa.
Kaya dapat mong pansinin ang katotohanan na tugma ang zodiac sign n’yong Scorpio at nagkataong ang birth date mong 5 ay siya namang destiny number ng karelasyon mo (10+26+1967=2003/ 20+ 03=23/ 2+3=5). Habang ang destiny number mo namang 7 (11+5+1971=1987/ 19+87=106/ 10+6=16/ 1+6=7) na “weak number” ay tugma naman sa birth date niyang 26 o 8 (ang 26 ay 2+6=8) na strong number. Ibig sabihin, sa pag-aanalisang Astro-Numerology, tugma at compatible kayong dalawa.
Kapansin-pansing ding ang itinakda sa iyo ng kapalaran ay ang makapag-asawa at maaaring ang kasalukuyan mo nang karelasyon ang mapapangasawa mo ay madali namang kinumpirma at pinatunayan ng tuwid, mahaba at makapal na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na kung sino ang karelasyon mo ngayon ay siya na nga ang nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng maganda, walang bilog at malinaw na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, noon pa man may pangako na sa iyo ang kapalaran ng maligaya at panghabambuhay na relasyon na kahit sabihin pang madalas kayong mag-away, balewala ‘yun dahil habang tumatanda kayo, mapagpapasensiyahan n’yo na rin ang isa’t isa hanggang sa tuluyan na kayong magkasundo at wala nang pamimilian pa kundi ang magmahalan kayo habambuhay.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Anne, kasal man kayo o hindi, nakatakda na ang magaganap. Kayo na ang magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari ngayong 2020 sa edad mong 49 pataas at 53 naman ang karelasyon mo, na magsisimulang mangyari sa buwan ng Nobyembre, 2020.




Comments