top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 kelot, tinodas ng 3 katoma

  • BRT​
  • May 29, 2020
  • 1 min read

Cotabato City—Dalawang lalaki ang namatay nang barilin ng tatlong salarin na kanilang nakainuman sa tindahan kamakalawa sa Bgy. Kalanganan.

Nakilala ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Marvin Ibañez at alyas Totong, kapwa caretaker sa palaisdaan sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Ibañez at “Totong” ay dumating ang tatlong hindi kilalang suspek at nakipagkaibigan sa kanila hanggang sa makainuman ng dalawang biktima ang tatlong salarin.

Nang magpaalam sina Ibañez at “Totong” na aalis na ay bigla silang pinagbabaril ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek, samantalang inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa dalawang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page