top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

YAM, NABASTOS NANG IPAALALA NG NETIZEN ANG GINAWA DATING SEXY MOVIE, NA-BEAST MODE

  • Beth Gelena
  • May 28, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

NAG-CELEBRATE ng kanyang 33rd birthday ang Kapamilya actress na si Yam Concepcion.

Nag-live streaming ang actress sa kanyang Facebook at Instagram account. Naiiyak si Yam habang nagla-live session.

Paliwanag niya, may ipinadala raw na letter ang kanyang boyfriend at touched siya. Long distance relationship kasi sila dahil sa ibang bansa nagwo-work ang longtime boyfriend ni Yam.

Habang nagla-live chat si Yam, may isang netizen na nag-mention ng kanyang launching movie na Rigodon eight years ago. Nairita si Yam at binuweltahan ang netizen.

“Ang babastos n'yo, ha?

“You’ve made your point, okey na, palakpakan, wohooo! What do you want me to feel kapag nagko-comment kayo ng mga ganyan? Ano'ng gusto n'yong mangyari, kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangan pang i-mention?”

Year 2012 nang ipalabas ang Rigodon na isang erotic and adult thriller movie ni Direk Erik Matti.

Dahil sa word of mouth ay kumita ang pelikula kaya hindi rin naman maitatanggi ni Yam na sa Rigodon siya nakilala.

In fairness, mahusay umarte si Yam. Hindi nga ba’t sa Halik kung saan gumanap siya bilang si Jade, maraming nagalit sa kanya pero hinangaan siya dahil nakipagsabayan siya sa pag-arte kina Jericho Rosales at Yen Santos?

Kasama rin siya sa Love Thy Woman bilang stepsister ni Kim Chiu, kaso pansamantalang nahinto ang airing ng serye dahil sa biglang pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa Kapamilya Network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page