Quarantine measure na ipatutupad pagkatapos ng May 31, iaanunsiyo mamayang gabi
- Mylene Alfonso
- May 28, 2020
- 1 min read

Iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes ng gabi ang susunod na hakbang sa modified enhanced community quarantine na ipinatutupad sa Metro Manila at iba pang high-risk na lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic ayon sa Malacañang.
Una rito, kumalat sa social media ang kopya ng memo na isasailalim na sa GCQ ang Metro Manila mula June 1-15.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa ngayon ay hindi pa makumpirma ang memorandum na nagrerekomenda para sa paglipat sa general community quarantine.
"PRRD (Duterte's initials) will announce tonight," ani Roque.
Nabatid na tanging ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang magkukumpirma nito.





Comments