Mga aso at pusa lang ang kasama sa condo... JASMINE, ATAT NA ATAT NANG LUMIPAD PA-AUSTRALIA PAGKATAP
- Nitz Miralles
- May 28, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Isa sa mga unang gagawin ni Jasmine Curtis-Smith kapag puwede nang mag-travel ay ang lumipad pa-Australia para makita ang pamangkin niyang si Dahlia Amelie, ang daughter ng sister niyang si Anne Curtis at asawang si Erwan Heussaff. Ito ay kung hindi pa makakabalik ng bansa sina Anne na nasa Australia ngayon.
Mag-isa lang si Jasmine sa bansa dahil nasa Australia ang family niya at hindi rin niya mabisita ang mga relatives sa Angeles dahil sa lockdown. Nagso-solo sa kanyang condo si Jasmine at para mas makatipid dahil wala siyang trabaho ngayon at tigil ang taping ng Descendants of the Sun, ang ginagawa nito, sa halip na madalas magpa-deliver ng food, minsan ay siya na lang ang nagluluto para sa kanya at sa kanyang mga fur babies.
Mabuti at marunong siyang magluto, kaya hindi ito problema sa kanya. Sa nakaraan nga niyang birthday, siya na rin ang gumawa ng kanyang birthday cake na pinagsaluhan nila ng kanyang pet dog and pet cat.
“Kung mag-order man ako, I make sure na ‘yung order ko is good enough to last me at puwede kong iluto ulit in another way,” sabi ni Jasmine.





Comments