Senador, mainit ang ulo... CONNIE, TINARAYAN NI SEN. GORDON SA INTERVIEW
- Nitz Miralles
- May 27, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Si Senator Dick Gordon pala ang government official na na-interview ni Connie Sison sa Unang Hirit ng GMA-7 na mukhang mainit ang ulo at parang galit ang sagot sa mga tanong ng Kapuso host. Sinabihan pa si Connie na “Makinig ka naman dahil parang hindi ka nakikinig.”
In-interview kasi ni Connie si Sen. Gordon tungkol sa isinasagawang Covid-19 PCR (polymerase chain reaction test) ng Philippine Red Cross sa mga nag-uwiang OFWs.
Bago magtapos ang interview, narinig ang sinabi ni Sen. Gordon na “Pagod na kami” na parang ayaw nang tanungin pa siya ni Connie. Hindi nasira ang mood ni Connie at nagpasalamat pa siya sa senador kahit parang galit at pabalang na ang mga sagot sa kanya.
Dahil sa ipinakitang professionalism at pagiging kalmado, hinangaan ng mga viewers si Connie at pinanatili raw nito ang pagiging objective.
Sa kanyang Twitter account, may nagbibigay pa ng virtual hugs kay Connie bilang simpatya sa naging treatment sa kanya ni Sen. Gordon. Pero, malabo yatang mag-sorry si Sen. Gordon gaya ng isina-suggest ng mga netizens.





Comments