Nanawagan para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN... “Lumaban para sa karapatan at manindigan para sa
- Mercy Lejarde
- May 27, 2020
- 1 min read

Ayon sa latest update ng ABS-CBN News Department, nagsanib-puwersa ang mga Kapamilya stars para mangalap ng lagda para mabigyan ng prangkisa ang network na ipinatigil ng National Telecommunications Commission sa pagbo-broadcast noong Mayo 5.
Gamit ang kani-kanilang social media accounts, muling nagpakita ng suporta para sa kanilang mother network sina Coco Martin, Julia Montes at iba pang mga bituin sa pamamagitan ng paghikayat sa publiko na makiisa sa online petition para kumbinsihin ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para ipasa na ang renewal ng prangkisa.
“Lumaban para sa karapatan at manindigan para sa bayan,” ani Coco sa caption ng kanyang post.
Matatandaang humarap sa pambabatikos si Coco matapos niyang ilabas ang kanyang saloobin at ipakita ang pagsuporta sa ABS-CBN.
Samantala, patuloy din ang iba pang mga bituin tulad nina Jake Cuenca, Sylvia Sanchez, Nikki Valdez, Melai Cantiveros at Pokwang sa pagpapakita ng suporta para muling makabalik sa ere ang ABS-CBN.
“Kapit lang,” ang sey naman ni Maja Salvador.





Comments