top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hirit ng mga fans, dinedma lang… LEA, TINANGGIHANG MAKASAMA NI AGA

  • Beth Gelena
  • May 27, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Viral ngayon sa social media ang “AGA PLEASE SAY YES” na panawagan ng mga Lea Salonga-Aga Muhlach fans.

Tinanggihan kasi ng aktor ang invitation ni Lea na mag-guest sa muling gagawing online concert para sa Bayanihan Musikahan Facebook Live sa Friday, May 29.

Last April 3 ay nag-perform na si Lea para sa Bayanihan Musikahan at nakalikom sila ng P1.7 M na idinoneyt sa mga pamilyang biktima ng COVID-19.

Dahil gusto ng LeAga fans na matuloy ang reunion ng kanilang idolo na ilang beses na ring naudlot, siguro naman daw, tamang-tama ang pandemic crisis para matuloy ang pagsasama ng dalawa.

Post ni Lea para sa kanilang mga fans, “Sa mga fans ng #LeAga, huwag na kayong umasa na may bibisita. We actually invited. Ang OA, ayaw magpakita.”

Tumanggi umano ang aktor na makasama sa isang online benefit concert ang international singer-actress.

Sina Erik Santos at Ice Seguerra ang kinumpirma ni Lea na magiging guest niya.

Ani Lea: “That's right, I'll be doing another @BayanihanMusika concert! This time, we'll have

@realeriksantos and @IceSeguerra joining. So come and drop by for a feel-good Friday of music! #BigFridaySpecial.”

Agad na gumawa ang mga fans ng "AGA PLEASE SAY YES" para kumbinsihin ang aktor na pumayag mag-guest sa online concert.

May isang fan pa ang nagkomentong hindi pinapansin ng aktor ang effort na kanilang ginawa.

Sabi ng fan, “AGA, NAGPUYAT KAMI PARA SA LEAGA TUESDATE. ANG BOBONGGA NG ICONS NAMIN, PANGMALAKASAN CAPTIONS, EDITS AT PICS NA NI-TWEET NAMIN. TAPOS HOPIA IBIBIGAY MO SA

AMIN???? SKSKSKSKS.”

May nag-tweet naman na “Hindi pa huli ang lahat. May chance ka pa bawiin ang naging sagot mo.”

But sad to say, hanggang ngayon ay walang reaksiyon si Aga sa trending shout-out ng kanilang mga fans. Wala naman daw kasing Twitter account ang beteranong aktor.

Kung walang Twitter account si Aga, ang mga anak daw niya na sina Andres at Atasha, siguradong may social media account at mababasa ng mga ito na trending ang kanilang ama sa socmed.

Kahit dalawang beses lang nagkasama sa pelikula sina Aga at Lea — sa Bakit Labis Kitang

Mahal (1992) at Sana Maulit Muli (1995) — ay nagklik sila as a love team.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page