Tinatakot lang ang sarili, kahulugan ng panaginip na nagka-COVID-19
- Socrates Magnus
- May 26, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Strawbz na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor
Nasa bukana ako ng isang tunnel, tapos may taong hindi ko kilala na nasa taas. Sabi ko sa kanya, “Positive tayo,” at sabay sabi sa kanya na “Tara sa RITM,” tapos tumakbo ako.
Natatakot na ako, ano ang ibig sabihin nito? Salamat!
Naghihintay,
Strawbz
Sa iyo Strawbz,
Sa ngayon, gulung-gulo at litung-lito ang lahat ng tao dahil sa COVID-19. Gayundin, gumugulo na ang buhay ng bawat isa at nagkakaroon ng kalituhan kung ano ang dapat paniwalaan.
Noong una, ang sabi, huwag magsuot ng facemask ang lahat, kaya sumunod ang tao at lalong dumami ang may COVID-19. Siguro, may nakaisip na mali ang ganu’ng pinagagawa sa mga tao, kaya ang sabi, kahit hindi surgical mask, dapat na magsuot ang lahat. Para namang tama ang utos na ito dahil nakontrol ang mabilis na pagdami ng may sakit.
Wala namang magawa ang mga tao kahit araw-araw ay pabagu-bago ang iinutos. Kahit ang mga tagapagpatupad ay gulung-gulo rin. Nakakahiya mang aminin, sila ay nagtatalo at ang masaklap, sa harap pa ng publiko sila nagbabanggaan ng paniniwala.
Pero ang hindi kapani-paniwala, halos araw-araw ay nagsasagawa sila ng meeeting para malaman kung ano ang dapat gawin. Kaya para naman mabigyan ng katwiran ang pagbubungguan ng paniwala, puwede sigurong isipin na absent sa meeeting ang nagkamali na kinontra ng kasamahan niyang namumuno rin sa laban sa COVID-19.
Hindi naman ang mga tagapagpatupad ang nakakaranas ng pag-iiba ang mga pananaw dahil ang mga tao ay ganundin.
Noon, ang kabilin-bilinan ay “Surround yourself with positive people and you will have ay successful life,” pero hindi na ngayon dahil kapag narinig pa lang ng tao ang salitang “May positive sa kapitbahay ninyo,” natatakot na at hindi malaman kung ano ang gagawin.
Sa panaginip mo, ang sabi mo ay “Positive tayo” at may pahabol na “Rara sa RITM,” at ikaw mismo ay nagtatakbo at takot na takot. Gayunman, ang sabi ng iyong panaginip, huwag kang matakot at wala kang dapat na ipag-alala dahil hindi ka mapabibilang sa may COVID-19.
Kaya lang naman ganito ang napanaginipan mo ay dahil sa tunay na buhay, napakaraming naging positive sa inyo nang isagawa ang mass testing. Kaya lang, ayon sa balita, inamin ng Department of Health (DOH) na wala pang nagaganap na mass testing kaya lalong gumulo ang isip at pananaw ng mga tao.
Napansin mo ba ang pag-amin ng DOH na wala pang mass testing? Ito ang nagpapatunay na wala kang COVID-19, kumbaga, hindi totoo ang napanaginipan mo dahil ito ay malinaw na tinatakot mo lang ang iyong sarili.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmuindo del Mundo





Comments