Para lagi raw maalala ang nalaglag na kambal nila ni Chiz... HEART, NAGPA-TATTOO NG PUSO SA PULSO
- Erlinda Rapadas
- May 26, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Maraming rebelasyon si Heart Evangelista sa one-on-one interview sa kanya ni Jessica Soho sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo.
First time na naglabas ng kanyang damdamin ang misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero at maraming nagulat sa kanyang confession na may pinagdaraanan siyang depression at anxiety attack.
Napansin ni Jessica ang tattoo na korteng puso sa wrist ni Heart. Na-curious si Ms. Jessica kung para saan ang heart tattoo na 'yun.
Umamin naman si Heart na 'yun ay ipina-tattoo niya upang magsilbing alaala sa nawala niyang kambal na anak. Kitang-kita sa lungkot ng mga mata ni Heart na hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin niya nang husto ang nangyaring miscarriage na naging sanhi kaya nawala ang kambal sana nila ni Gov. Chiz Escudero.
At mas nakadaragdag ng stress at pressure kay Heart kapag natatanong kung kailan uli siya magbubuntis. Isang malaking obligasyon at hamon 'yun sa kanyang pagkababae.
Ayon naman sa ilang netizens, kulang si Heart ng komunikasyon sa kanyang immediate family kaya feeling niya ay nag-iisa siya at walang karamay sa mga problema at du'n nag-uugat ang kanyang depression.





Comments