top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Discount sa mga toll fees ng mga Person With Disability (PWD)

  • Persida Acosta
  • May 26, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Isa akong Person With Disability (PWD) at mayroon akong maliit na sasakyan na ginagamit ko upang makapasok sa trabaho. Dahil sa aking kapansanan ay tinutulungan ako ng aking pamangkin na magmaneho ng sasakyang ito. Mayroon pa rin ba akong PWD discount sa mga toll fees kahit na hindi ko personal na minamaneho ang sasakyan ko? - Gento

Dear Gento,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 6.6 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 9442 o mas kilala sa tawag na “Magna Carta for Persons with Disability as Amended” kung saan nakasaad na:

“Section 6.6 Land Transportation Privileges – At least twenty percent (20%) discounts in bus fares such as ordinary, aircon fares and on public railways such as LRT, MRT, PNR, and such other similar infrastructure that will be constructed, established and operated by public or private entity. Toll fees of skyways and expressways are likewise subject to at least twenty percent (20%) discounts, however, this privilege can be availed only by a person with disability owning the vehicle.” (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit, mayroong karapatan ang ating mga PWD para sa at least 20% discount sa mga toll fees. Subalit, ang PWD na may-ari ng sasakyan ang tanging makagagamit ng prebilehiyong ito.

Ibig sabihin, maaari ninyong magamit ang nasabing discount kung mapatutunayan ninyong kayo ang may-ari ng inyong sasakyan, kahit na hindi kayo ang personal na nagmamaneho nito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyo na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page