top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiwatig na “hoholdapin” ni misis kaya dapat kusang magbigay ng intrega

  • Socrates Magnus
  • May 25, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Louie O. na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko ang anak ko, tapos umiiyak siya sa panaginip dahil naholdap at pinatay daw ako sa panaginip niya.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Louie O.

Sa iyo Louie O.,

Maaaring natakot ka sa panaginip mo at iniisip mo na mahoholdap at mapapatay ka sa totoong buhay. Malabo nang maranasan mo ito dahil tiyak naman na pagkatapos mong managinip, sinabi mo sa sarili mo na kung ano ang gusto ng magho-holdap sa iyo ay ibibigay mo dahil alam mo rin ang katotohanang kaya napapatay ang hinoldap ay dahil ayaw niyang ibigay ang gusto ng holdaper.

Gayunman, ang tunay na mensahe ng iyong panaginip ay hindi tunay na holdaper ang kinatatakutan mo kundi ang mga taong nagmamahal at malalapit sa iyo na “hoholdap” sa pera mo. Ibig sabihin, kukunin ang pera mo at iniisip mo na hindi mo ibibigay lahat ng ito dahil kailangan mo rin ng sariling pera.

Kadalasan, ang holdaper sa ganitong panaginip ay si misis, kaya kumusta ang sitwasyon ninyo ng asawa mo? Huwag kang magtataka kung ang gusto ng misis na kunin ang pera ng mister dahil ito ang tradisyon dito sa atin.

Marami na rin ang mga mag-asawa na may kani-kanya ng pera. Nangyayari lamang ito kapag ang isa sa kanila o silang dalawa ay may tiwala sa paghawak ng pera o kabuhayan.

Kaya ang tanong, may tiwala ba sa iyo si misis o kinikilala niya na mahusay kang humawak ng pera? Ang pera mo ba ay dumarami at hindi mauubos, kung negosyo, hindi ka ba malulugi?

Sa ganitong mga sitwasyon, mas madalas na minamabuti ni misis o mister na siya ang humawak ng pera ng asawa para maiwasan ang pagkalustay nito.

Alam mo ba kung bakit “hinoholdap” ni misis si mister? Ito ay dahil mahal niya ang kanyang pamilya kung saan ang kanyang pamilya ay ikaw at ang inyong mga anak.

Kaya bago ka pa “holdapin” ni misis, kusa mo siyang bigyan ng pera at mas maganda kung dagdagan mo ang dati mong ibinibigay sa kanya.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page