top of page

Ospital ng Tondo, balik-operasyon na

  • BRT
  • May 25, 2020
  • 1 min read

Muling binuksan sa publiko at ibinalik ang operasyon ng Ospital ng Tondo sa Jose Abad Santos Avenue sa Maynila.

Ito ay matapos ang dalawang linggong pagkakasara upang isailalim sa paglilinis at disinfection.

Ayon kay Manila Public Information Office Chief Julius Leonen, simula kaninang umaga ay balik-operasyon na ang nasabing pampublikong ospital.

Matatandaang inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na pansamantalang ipasasara ang Ospital ng Tondo mula Mayo 11 hanggang May 24 para sa terminal cleaning, disinfection, pest control at rearrangement ng pasilidad para sa kanilang COVID-19-related operations.

Layon din umano ng ginawang pagpapasara na mabigyan ng sapat na panahon ang mga health workers na maisailalim sa quarantine, makapagpahinga at maka-recover.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page