Negosyante, tinodas ng riding-in-tandem
- BRT
- May 25, 2020
- 1 min read
North Cotabato—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Salunayan, Midsayap.
Kinilala ang biktima na si Dannu Cabuyao, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo umano si Cabuyao sa harap ng kanyang bahay nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Kaagad tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments